-- Advertisements --
Nagpapatulong na sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Finance (DoF) ang ilang grupo ng mga negosyante para maalalayan ang ilang maliliit na kompaniyang walang kakayahang magbigay ng 13th month pay.
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines ECOP president at honorary chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PCCI) Sergio R. Ortiz-Luis, Jr., kailangang matulungan ang maliliit na negosyo para maka-comply sa 13th month pay rule.
Sa pagtaya ni Ortiz-Luis, umaabot sa 400,000 ang mga salat sa kakayahang magbigay ng naturang benepisyo para sa kanilang mga tauhan.
Gayunman, dadaan sa angkop na pagsusuri ang mga kwalipikado sa nasabing programa.