BUTUAN CITY – Umabot sa mahigit 400 mag-aaral nitong lungsod ng Butuan ang nagtapos sa kauna-unahang tatlong araw na Junior Police bootcamp ng Butuan City Police Office (BCPO) sa ilalim ng Police Regtional Office (PRO) 13.

Ayon kay Police Captain Emmerson Alipit, tagapagsalita ng Butuan City Police Office, 403 na mag-aaral mula sa junior at senior high schools ang matagumpay na nagtapos sa tatlong araw bootcamp na isinagawa sa Taligaman National High School ng Brgy. Taligaman sa naturang lungsod.

Layunin nito na mapa-intindi ang disiplina, patriyutismo at kaalaman sa kabataan ng bagong heneryason lalo na yaong may nagawa ng krimen.

Base sa datos ng BCPO, ilan sa kanilang ginawa sa bootcamp ay ang PNP/PNPA Career orientation, kahalagahan ng police-community partnership, values formation at spiritual enrichment, first aid, basic fire incident handling, mga batas para sa proteksyon ng mga kabataan, anti-bullying at defense tactics.

Samantala nagpaalala naman si Police Regional Office Region 13 (PRO-13) Director Brigadier General Joselito Esquivel, Jr., sa mga mag-aaral na maging responsable at hindi isusuko ang pag aaral kahit gaano ito kahirap dahil ang edukasyon ang essential na bahagi ng buhay.

Ang bootcamp ay ilan lamang sa mga inisyatiba ng PRO-13 para sa E.O. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).