-- Advertisements --

Aabot sa 44 na mga indibidwal ang napaulat na nasawi habang dose-dosena naman ang sugatan sa sumiklab na sunog sa isang pitong palapag na gusali sa Bangladeshi capital na Dhaka.

Ayon sa Health Minister ng Bangladesh na si Samanta Lal Sen, nasa 43 indibidwal ang dead on the spot mula sa nasabing sunog, habang mayroon pang isang biktima ang na pagamutan na binawian ng buhay.

Bukod dito ay iniulat din ng naturang opisyal na aabot din sa 40 katao ang sugatan nang dahil pa rin sa naturang insident at kasalukuyan na ngayong nagpapagaling sa ospital, habang nasa 75 katao naman ang nasagip ng mga otoridad.

Samantala, batay sa inisyal na imbestibasyon ng mga otoridad, nagsimula ang sunog sa sumiklab na biriyani restaurant Dhaka’s Bailey Road na kalauna’y kumalat pa sa mga palapag ng gusali dahilan naman kung bakit hindi agad na nakalabas ang biktima.

Ayon sa mga otoridad posibleng pagsabog ng gas cylinders na ginagamit sa naturang restaurant ang pinagmulan ng nangyaring sunog, ngunit gayunpaman ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang ginagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring insidente.