-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 40-k na mga pulis ang na-promote na sa kanilang mga ranggo ngayong taon.

Sa isang pahayag ay iniulat ni PNP chief PGen Benjamin Acorda Jr. na ngayong taon ay mayroon 43,909 na kabuuang bilang ng mga police commissioned officers tulad ng mga General at Lieutenants at police non-commissioned officers mula master sgt. hanggang patrolman ang umangat at na-promote sa mas mataas na ranggo.

Aniya, performance at merit-based ang kanilang naging basehan para sa promosyon ng mga pulis bilang bahagi ng kanilang regular promition cycle sa PNP.

Samantala, ngayong araw ay mayroon ding 607 na mga police commissioned officers ang nakatakdang italaga ni PNP Chief Acorda sa PNP Officer Corps bilang line officers at technical service officers sa pamamagitan ng lateral entry kung saan karamihan sa mga ito ay mayroong ranggo ng qualified police non-commissioned officers at ilang sibilyan.

Kung maaalala, una nang binigyang-diin ni PNP chief Acorda na magiging merit-based ang promotion ng mga pulis kasabay ng kaniyang layuning bigyang prayoridad ang morale at kapakanan ng PNP sa pagtatalaga sa puwesto ng kaniyang mga tao para mapataas pa ang morale ng mga ito sa gitna ng kasulukuyang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Pambansang Pulisya.