-- Advertisements --
image 133

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mahigit 4,000 na mga pasahero na stranded sa ilang rehiyon dahil sa Tropical Depression na Amang.

Mula alas-8 ng umaga ngayong araw, sinabi ng PCG na 4,523 na pasahero, tsuper ng trucks, at cargo helper ang na-stranded sa Bicol, Eastern Visayas, at Southern Tagalog regions.

Na-stranded din ang labing-isang sasakyang pandagat, apat na motorbanca, at 732 rolling cargoes.

Apatnapu’t dalawang sasakyang pandagat at 19 motorbanca ang itinabi bilang pag-iingat sa kanilang kaligtasan.

Sa ngayon, ipinatupad ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagkansela ng mga biyahe sa walong daungan sa Bicol Region.