-- Advertisements --
Hindi baba sa 14 katao ang naiulat na patay o nawawala dahil sa matinding pagbaha sa lalawigan ng Dien Bien sa Vietnam, ayon sa ulat ng state media nitong Biyernes.
Nabatid na nag-umpisa ang pagbaha noong Huwebes ng gabi matapos ang ilang oras ng malalakas na ulan, na nagdulot ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog, flash floods, at landslide sa mga bahagi ng naturang lalawigan.
Pinakamatinding tinamaan ang syudad sa Xa Dung kung saan isang tao ang kumpirmadong patay at anim pa ang nawawala.
Ayon sa lokal na pamahalaan, wala pa ring linya ng kuryente sa lalawigan at sarado parin ang mga kalsada patungo sa ilang lugar dahil sa mga bagbaha.
Samantala iniulat din ang dalawang bata ang natabunan ng gumuhong lupa sa Hang Pu Xi village.