-- Advertisements --

Posibleng hindi sa lahat ng pagdinig kailangan ang presensya ni Vice President Sara Duterte sakaling matuloy ang impeachment trial laban sa kanya, ayon sa kanyang kampo.

Sinabi ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team ng Bise Presidente, na ang pagdalo ni Sara Duterte sa mga pagdinig ay nakadepende kung kinakailangan siya ng hukuman sa partikular na paglilitis.

Ipinunto rin niya na hindi naman palaging kinakailangan ang personal na presensya ng akusado sa lahat ng hearing, gaya ng naging praktis sa mga nakaraang kaso tulad ng impeachment trial ni yumaong Chief Justice Renato Corona.

Sakaling maipasa at ma-transmit ng Kamara de Representantes ang Articles of Impeachment, inaasahang magko-convene ang Senado bilang impeachment court.

Tiniyak din ng kampo ni VP Sara na handa silang mag-participate kung sakaling matuloy ang impeachment trial.