-- Advertisements --
Mahigpit na ipinag-utos ngayon ni Philippine National Police Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez, Jr ang malawakang intelligence-monitoring at imbestigasyon para makilala ang mga pulis na nagiging protektor ng iligal na sugal at anumang uri ng iligal na aktibidad.
Ang nasabing kautusan ay kasunod ng pagkakaaresto ng isang pulis major na sangkot bilang protektor ng iligal na aktibidad sa Negros Island.
Tinanggal na sa puwesto ang pulis at ito ay isinailalim na sa restrictive custody bilang bahagi ng pinalawig na imbestigasyon at umanoy gambling.
Giit ng PNP chief na ang ganitong uri ng mga pulis ay isang maituturing na anay na sumisira sa pangalan ng PNP .
















