-- Advertisements --

Nasa 4,500 na kabahayan at gusali ang nawasak mula ng ilunsad ng Russia ang pag-atake sa Ukraine.

Ayon kay Ukrainian Minister for Community and Territorial Development Oleksiy Chernyshov na kabilang din na nasiria ang nasa 400 paaralan at 150 na mga pagamutan.

Dahil sa nasabing pagkawasak ng mga gusali ay umaabot na sa ilang bilyong dolyar ang naging danyos.

Nangangailang aniya sila ng mga taga ibang bansa para muling maitayo ang mga natumba at nawasak na mga gusali.