-- Advertisements --

NAGA CITY – Mahigit na sa 35K ang mga nailikas na residente sa Quezon province dahil kay bagyong Rolly.

Sa pakikipag-usap ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Melchor Avenilla, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)-Quezon, sinabi nito na bago pa man ang pananalasa ng bagyo ay nailikas na ang mga residente sa lugar.

Mayroon na ring nakahandang mga food packs para sa mga evacuees sa lalawigan.

Dagdag pa nito, ilang bayan rin umano ang nakapagtala ng pagbaha dahil sa pag-uulan dulot ni bagyong Rolly ngunit nilinaw naman nito na walang naitalang landslide sa probinsiya.

Sa kabila nito, wala namang naitalang casualty dahil sa pananalasa ng naturang bagyo.

Ngunit dahil naman sa lakas ng hangin ay ilang mga puno ang nabuwal at natumba rin ang ilang mga poste ng kuryente kung kaya maraming bahagi sa lalawigan ang nagkaroon ng power outage.

Samantala, ayon naman sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)- CamSur nakapagtala rin ng pagbaha ang 106 na barangay at 23 bayan sa lalawigan Camarines Sur dahil kay bagyong Rolly.