-- Advertisements --
image 118

Nairehistro na ang nasa 30 million subscriber identity module (SIM) card base sa data noong Pebrero 7 ayon sa Department of Information and Technology (DICT).

Ito ay katumbas ng 17.76% ng kabuuang 168,977,773 million subscribers sa buong bansa.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, kanilang naobserbahan ang magandang progreso pagdating sa mga nagpaparehistrong subscribers at umaasa pa na sa pagkakaroon ng ligtas at mas secure na digital communications sa mga susunod na araw.

Inanunsiyo rin ng DICT na magiging available na rin sa iba pang mga remote areas ang Sim registration na nagsimula na kahapon, Pebrero 7 hanggang sa Biyernes, Pebrero 10

-- Advertisement --

Sa ikatlong araw bukas, Pebrero 9 , magkakaroon ng sim registration sa City of Dapitan, Zamboanga del Norte, Bauang, La Union – People’s Hall, MSWD Office, Echague, Isabela – Evacuation Center Municipal Compound, Brgy. San Fabian, San Simon, Pampanga – Municipal Covered Court, Agoncillo, Batangas – Agoncillo Municipal Covered Court, Libmanan, Camarines Sur – Libmanan Sports Complex, Abuyog, Leyte – Brgy. Nalibunan Covered Court, Salay, Misamis Oriental – Senator Ernesto Herrera Gymnasium, Brgy. Poblacion, La Paz, Agusan del Sur – Municipal Gym, Poblacion, Bauko, Mountain Province – Municipal Open Court, Brgy. Abatan

Sa Pebrero 10 naman ay sa Pandan, Antique – Pandan Sports Complex, City of Bogo, Cebu – City Sports Complex, Don Celestino Martinez Sr. Sports & Cultural Center (Complex), Brgy. Taytayan, Padada, Davao del Sur, ABC Covered Court.