Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga persons deprived of liberty ang nagparehistro na sa Manila City Jail.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa ngayon, nasa 300 na persons deprived of liberty (PDLs) na ang nagparehistro sa Manila City Jail.
Ang voter registration na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec) sa Manila City Jail male dormitory para sa barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Sinabi naman ni BJMP chief Jail Director Allan Iral, bilang government agency raw ay kailangan nilang siguruhin na ang lahat ng mga citizens kahit ano pa ang kanilang mga circumstances ay dapat mayroong boses para sa democratic process.
Tiniyak namam ni Iral na ng mga personnel ng BJMP ay nagtatrabaho para siguruhing ang mga persons deprived of liberty ay makakaboto sa buwan ng Disyembre.
Sa ngayon, nasa 66,244 na PDLs na ang nakapag-rehistro ngayong araw at nasa 27,741 PDLs ang ikinokonsiderang newly-registered voters.
Sinabi ng BJMP na ang jail population ay nasa 126,680 mula sa kanilang 478 jail facilities nationwide.
Hinikatay din ni Iral ang lahat ng mga PDL na mag-register at marinig din ang kanilang boses sa araw ng halalan.
Ang voter registration para sa BSKE ay nagsimula noong December 12, 2022 at magtatapos sa January 31, 2023.
Una rito, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ipo-proseso ng poll body ang registration applications ng mga first-time Sangguniang Kabataan (SK) election voters at regular voters.
Maliban sa registration, puwede rin umanong mag-apply ang mga botante para sa transfer ng voter registration records, reactivation ng voting status at correction o change of entries sa voter registration record.
Ang BSKE ay isasagawa sana noong December 2022 pero na-postpone ito sa October 2023.