-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Atty. Joel Butuyan, isang ICC-accredited lawyer, na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon ukol sa umano’y pag-apruba ng interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo, iginiit ni Butuyan na sinadya ng kampo ng Duterte supporters na lituhin ang publiko sa pamamagitan ng maling impormasyon.

Natapat pa ang pagkalat ng balita sa pahayag ni Nicholas Kaufman hinggil sa umano’y hindi magandang kalusugan ni Duterte.

Para sa kampo ng mga biktima, mahalagang dumaan sa tamang beripikasyon ang anumang pahayag mula sa kampo ni Duterte.

Kasabay nito, nananawagan silang sundin ang mga itinakdang kondisyon ng International Criminal Court.

Patuloy ang panawagan para sa katotohanan at hustisya sa gitna ng mga isyung may kinalaman sa karapatang pantao.