Mahigit 300,000 na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang inaasahang magtatapos sa programa.
Sinabi ni 4Ps National Program Manager Gemma Gabuya na tapos na ang reassessment sa mga pamilyang kabilang sa nasabing programa.
Sa 1,158,249 na pamilyang unang natukoy na hindi mahirap, 761,140 ang mananatili bilang mga benepisyaryo sa ilalim ng DSWD.
Ayon sa ahensya, kwalipikado pa rin ang mga benepisyaryo na makatanggap ng conditional cash aid batay sa social at economic metrics mula sa ahensya.
Samantala, 339,660 benepisyaryo ang itinuring na may mas magandang kalagayan sa buhay, kaya sila ay karapat-dapat na makapagtapos at maalis na sa listahan
Ang mga bakanteng puwesto ay pupunuan naman ng ibang nararapat at kwalipikadong mga pamilya.
Una nang sinabi ng DSWD na susuportahan nito ang mga hakbangin upang madagdagan ang halaga ng buwanang cash grant lalo na dahil sa epekto ng nagpapatuloy na inflation.