NAGA CTY- Aabot na umano sa mahigit 30 na mga tindahan ng lambanog ang nakumpiskahan ng mga otoridad hinggil sa magkakasunod na insidente ng pagkamatay sa nasabing inumin sa lungsod ng Lucena.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Marcelito Platino ng Lucena PNP, pansamantala muna umano nilang kinumpiska ang nasabing inumin na sa ngayon subject for validation ng City Health Office sa nasabing lungsod.

Ayon kay Platino, sa ngayon patuloy pa rin ang kanilang inspection sa ilan pang natitirang bayan sa lungsod.

Kung maaalala, kamakailan ng maireshistrong muli ang pagkamatay ng dalawang persona sa nasabing lungsod dahil sa methanol poisoning sa pag-inom ng inuming lambanog.