-- Advertisements --
Dumating sa bansa ang dagdag na 273,600 na COVID-19 vaccines para sa mga bata na gawa ng kumpanya ng Pfizer.
Ang nasabing mga bakuna na donasyon ng gobyerno ng Australia ay dumating nitong Huwebes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport.
Dahil sa nasabing bilang ay aabot na sa isang milyong bakuna ang natanggap ng bansa mula sa Australia.
Noong buwan pa lamang kasi ng Setyembre ay aabot na sa tatlong milyong COVID-19 vaccines para sa mga bata ang natanggap ng bansa mula sa bansang Australia.