-- Advertisements --

Sangkaterbang ilegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Zamboanga City.

Ito ay matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba noong Enero 10, 2024 sa Purok 11, Acacia, Barangay Calarian, sa Zamboanga City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng nasa mahigit apat na kilo ng hinhinalang shabu na tinatayang may katumbas na market value na nagkakahalaga sa Php27.2-million.

Kaugnay nito ay nasakote ng mga operatiba ang apat na mga suspek na kinilala namang sina Nadzmar Abdul, 38 anyos; Noralyn Abdul, 38 anyos; Wajil Jala, 31 anyos; at Ben Basaluddin, 33 anyos.

Narekober mula sa naturang mga suspek ang Php1,000 ginamit na boodle money sa isinagawang buy-bust operasyon.

Samantala, dahil dito ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Illegal Drugs) at Section 11 (Possession of Illegal Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naaarestong suspek.