-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Ukraine ang halos 26,000 na mga war crimes cases na kagagawan ng Russia mula ng sila ay lumusob noong Pebrero.
Kabilang sa mga nahaharap sa kaso ay ang 15 mga Russians na nasa kustodiya ng Ukraine habang ang 120 iba pa ay nananatiling pinaghahanap.
Ayon sa Prosecutor Generals’ Office na naisumite na nila sa korte ang 13 kaso at pito sa mga dito ay nahatulan na.
Noong Mayo ay unang napatawan ng hatol ang 21-anyos na sundalo ng Russia.
Magugunitang inakusahan ng Ukraine ang Russia na pagpatay sa mga sibilyan kasabay ng kanilang ginagawang pag-atake.