-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 22,000 Pilipino ang dinapuan ng dengue at halos 600 katao naman ang tinamaan ng leptospirosis mula noong Enero hanggang Abril.

Sa ulat mula sa Department of Health (DOH), mula sa naitalang 22,277 kaso ng dengue sa buong bansa, 126 dito ang nagresulta sa kamatayan o katumbas ng 0.6% fatality rate.

Bagamat bumaba ang kaso ng dengue ng 15% sa parehong perio noong nakalipas na taon, ayon sa kagawaran mas mataas naman ang year-on-year dengue incidence na naitala mula noong Marso 20 hanggang Abril 23.

Pinakamatinding tinamaan ng dengue na rehiyon ay ang Central Visayas na nakapagtala ng 2,905 na kaso ng dengue, Central Visayas na may 2,858 cases at Metro Manila na may 2,339 cases.

Samantala, umaabot sa kabuuang 583 kaso ng leptospirosis naman ang naitala ng DOH sa unang apat na buwan ng kasalukuyang taon kung saan 7 dito ang nasawi o katumbas ng 13.2% ng kabuuang tinamaan ng sakit.

Kung ikukumpara noong nagdaang taon, mas mataas ang naitalang year-on-year leptospirosis incidence ngayong taon mula marso 13 hanggang Abril 30.

Sa Western Visayas ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng tinamaan ng leptospirosis na mayroong 101 pasyente, Maetro Manila na may 76 cases at Cagayan Valley na may 69 cases.

Kaugnay nito, nagpaaalala ang kagawaran ng kalusugan sa publiko na linisin ang mga mosquito-breeding sites, magsuot ng mahahabang sleeve shirts at pantskung maaari,gumamit ng mosquito repellent at agasd na komunsulta sa doktor kapag nakitaan ng mga sintomas ng sakit.