May kabuuang 21,676 na driver na lumabag sa motorcycle lane rule sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ang binalaan sa dalawang linggong dry run mula Marso 9 hanggang 26, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Lumabas sa datos na ibinahagi ng MMDA na 16,916 private vehicle drivers ang pumasok sa exclusive motorcycle lane, habang 4,760 motorcycle riders ang lumabas sa kanilang designated lane.
Ang mga driver ng pribadong sasakyan na lalabag sa bagong panuntunan ay papatawan ng P500 na multa, habang ang mga driver ng public utility vehicle ay kailangang magbayad ng P1,200.
Kung mapapatunayang matagumpay, sinabi ng MMDA na maaaring magtalaga ito ng mga dedikadong motorcycle lanes sa iba pang mga pangunahing lansangan.
Ganap nang ipinatupad ng MMDA ang naturang patakaran ngayong araw sa Commonwealth Avenue.