-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mahigit sa 200 miyembro ng pulisya sa Region 12 ang isinailalim sa training para magsilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa darating na May 13, 2019 elections.

Isa ito sa hakbang na ginawa ni PNP-12 director Brig. Gen.Eliseo Tam Rasco para maging matagumpay ang election.

Ang naturang mga police ang reserve force na magiging BEIs kung hindi tutuloy ang mga guro sa pagsilbi sa halalan.

Napag-alaman na ang mga ito sumailalim sa training noong Enero 2019 sa Cotabato Police Provincial Office bago ang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite.

Naging parte ng training ang pag-operate ng Vote Counting Machine (VCM) na responsibilidad ng mga BEI’s sa araw mismo ng halalan.