-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Immigration na aabot sa kabuuang 241 na mga pekeng dokumento ang na-detect nito noong nakalipas na taong 2023.

Ito ay matapos na sumailalim sa forensic documents laboratory ang iba’t-ibang mga papeles tulad ng mga birth at marriage certificates, passports, visa, at iba pang mga dokumento na kalauna’y napag-alamang pawang mga pineke para sa pagbiyahe abroad.

Babala ni BI Commissioner Norman Tansingco sa mga indibidwal na magtatangkang peke-in ang kanilang mga dokumento ay agad na madedetect aniya ng kanilang mga modernong equipment ang mga ito dahilan kung bakit agad aniya nilang malalaman ang sinumang magtatangkang gumawa ng naturang maling gawain.

Samantala, bukod dito ay ibinahagi rin ng ahensya na una na itong nakatanggap ng tatlong news forensic document examination equipment mula sa Australian government sa pamamagitan ng Department of Home Affairs ng Australian Embassy na tiyak na magagamit ng naturang kagawaran sa pagpapaigting pa sa kanilang pagsusuri sa mga fraudulent documents sa bansa.