-- Advertisements --
Patay ang 21 katao matapos lumubog ang isang passenger vessel sa may Binangonan, Rizal.
Sinabi ni PCG Spokesman Armand Balilo na hinagupit ng malakas na hangin ang motor banca na may pangalang Princess Aya, kaya nag-panic ang mga sakay nito.
Nawalan umano ng balanse ang bangka, kaya tuluyan itong lumubog makalipas lamang ang ilang minuto.
Kaugnay nito, 31 katao naman ang nailigtas mula sa nasabing pangyayari.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng paghahanap ang Coast Guard para sa iba pang pinaniniwalaang lulan ng bangka nang mangyari ang trahedya.