-- Advertisements --
naia

Napilitan ang ilang airline companies na magkansela pa rin ng flights kahit bahagyang bumuti na ang lagay ng panahon sa Metro Manila.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), hindi lamang ang lugar na pinanggagalingan ng mga byahe ang dapat ikonsidera para sa kanselasyon, kundi maging ang destinasyon ng mga ito.

Kabilang sa mga kanselado ang ilang international flights na patungong Hong Kong, Canton, Xiamen at Jinjiang.

Kasama sa mga apektado ay ang ating flag carrier at ilang international airline companies.

Payo ng mga otoridad, makipag-ugnayan muna sa hotline ng kinuhang flight o kaya sa mismong airport upang mabatid kung tuloy ang biyahe, sa halip na dumiretso agad sa paliparran.

Sa latest data ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), 23 ang apektadong international flights para sa araw na ito.