-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit dalawang milyong mga turista ang naitala sa Boracay Island ngayong taong 2023.

Ayon sa Malay Tourism Office, ang naturang bilang ng mga turista na naitalang bumibisita sa Boracay mula noong buwan ng Enero hanggang Disyembre ngayong taon ay mas mataas pa kumpara sa target tourist arrival nito na 1.8 million na mga turista.

Sabi ng mga kinauukulan, malaki ang tiyansa na mas madagdagan pa ito sapagkat hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga turista sa nasabing isla para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Samantala, kaugnay nito ay patuloy naman ang pagpapaalala ng mga otoridad sa lahat ng mga turista na maging responsable at panatilihin pa ring malinis at ligtas ang buong isla ng Boracay sa Aklan.