-- Advertisements --

Nakatanggap ang bansa ng 2,400 doses ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Pfizer.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplano na lulan ng bakuna para sa mga bata pasado alas-8 kagabi.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na ang nasabing mga bakuna ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng utan mula sa World Bank.

Sa kabuuan ay mayroon ng 245,233, 560 doses na bakuna laban sa COVID-19 ang natanggap ng bansa mula pa noong Pebrero 2021.

Nasa 150 milyon sa mga dito ang nagamit.

Base na rin sa talaan ng Department of Health (DOH) na mayroon ng mahigit 70 milyon katao sa bansa ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.