-- Advertisements --
image 642

Nasa kabuuang 1,238 na mga motorista ang nahuli sa unang araw ng full implementation ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa bahagi Quezon City.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 482 motorsiklo ang napull-over at 757 ang pribadong sasakyan.

Paalala ng MMDA sa mga motorista na ang exclusive motorcycle lane ay nakalagay sa ikatlong lane mula sa sidewalk sa may Commonwealth Avenue.

Layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang mga aksidente sa mga kakalsadahan sangkot ang mga motorsiklo at matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.

Ang mga lalabag sa polisiya ay pagmumultahin ng P500.

Una rito, ang 11 araw na pilot testing para sa motorcycle lane program ay pinalawig pa hanggang Marso 26, 2023 para matapos ang ginagawang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways sa mga motorbike lane at mabigyan ng pa ng panahon ang mga motorista na maging pamilyar sa polisiya.

Inisyal na target ang pilot testing mula March 9 hanggang March 19, kung saan ang full implementation sana ay noong Marso 20.