Maswerteng nailigtas ng mga otoridad sa Clark, Pampanga ang nasa mahigit 1,000 indibidwal na pawang mga biktima ng human trafficking.
Ito ay matapos na maghain ng search warrant, at warrant to search, seize, and examine computer data ang PNP-anti-cybercrime group katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Presidential anti-organized crime commission, DOJ, DSWD, BI, Interagency Council on anti-trafficking sa Clark free port zone sa Clark, Pampanga na nagresulta sa 1,090 indibidwal na nasagip.
Ayon kay PNP-ACG Spokesperson PLT. Michelle Sabino, magkakaiba ng lahi ang kanilang nailigtas kabilang na ang nasa 129 na mga Pinoy, at 919 na mga foreigner na pawang mga Chinese, Vietnamese, Malaysian, Indonesiam, Taiwanese, Nepalese, at Thailander.
Aniya, ang mga ito ay sapilitang pinagtatrabaho sa isang cyber-fraudulent industry sa nasabing lugar.
Samantala, sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa Clark ang naturang mga biktima habang tinatapos pa ng mga otoridad ang pagpoproseso sa kanilang mga dokumento para sa pagbalik sa kani-kanilang mga lugar.