-- Advertisements --

Nasa mahigit 180,000 na mga public utility vehicle (PUV) operators ang nakatanggap na ng fuel subsidy mula sa gobyerno.

Ayon sa Land Trasnportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madagdagan pa ang nasabing bilang dahil sa nagpapatuloy aniya ang kanilang pamamahagi ng fuel subsidy.

Noong Marso kasi ay mayroong mahigit 377,000 na mga kwalipikadong PUV drivers at operators ang inilista ng ahensiya na makakatanggap ng subsidy.

Ang nasabing subsidiya ay isang paraan ng gobyerno para tulungan ang mga PUV Operators at drivers na umaaray na dahil sa patuloy na pagtaas na presyo ng mga langis.