-- Advertisements --
Aabot sa 150 na mga migrants ang nailigtas matapos na masunog ang sinakyan nilang bangka sa French Channel.
Ayon sa mga otoridad, tinangka ng nasabing bangka na tumawid sa United Kingdom ng masunog ang makina nito.
Mayroong 157 na mga katao ang nailigtas kung saan dinala ang mga ito sa pantalan ng Boulogne-sur-Mer.
Ang nasabing bangka ay umalis sa France nitong gabi ng Lunes.
Nangyari ang insidente ng matapos ang pag-anunsiyo ni Prime Minister Andy Burnham na magiging istrikto ito sa pagtanggap ng mga migrants.
















