-- Advertisements --

Iniulat Ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) na aabot aa mahigit 11,000 katao ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Betty sa Pilipinas.

Batay sa datos na inilabas ng ahensya, aabot sa 2,859 na mga pamilya ang napinsala ng nasabing bagyo na katumbas ng nasa 11,264 na mga indibidwal mula sa regions 2, 3, 6, st Cordillera Administrative Region.

Kaugnay nito ay sinabi rin ng kagawaran na Mayroong 877 Na Mga Pamilya O 3,400 Na Mga Indibidwal Ang Pansamantalang Nananatili Ngayon Sa 21 Evacuation Centers Habang Nasa 112 Na Mga Pamilya Naman Ang Piniling Makituloy Muna Sa Kanilang Mga Kamag-anak.

Samantala, kasabay nito ay tiniyak naman ng mga kinauukulan na tuluy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga kababayan nating naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Dagdag pa rito ay mayroon na rin anilang halos P2-M pondo ang inilabas ng gobyerno para sa pagbili ng gga family food packs at gayundin ng iba lang tulong para sa mga apektadong residente ng bagyong Betty.