-- Advertisements --

Nasa mahigit 11,300 na mga pulis ang target na ipakalat ng National Capital Region Police Office sa buong Metro Manila para paggunita ng Semana Santa at buong panahon ng summer vacation.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., magpapatupad ang kanilang hanay ng mga comprehensive measures upang tugunan ang inaasahang malaking bilang ng mga sibilyan ngayong Holy Week at summer vacation.

Kasabay nito ay nakipag-ugnayan na rin aniya ang NCRPO sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, iba pang mga law enforcement agencies at maging sa mga private stakeholders para sa pagtatatag ng comprehensive security framework sa rehiyon.

Bukod dito ay magpapatupad din ng kaukulang traffic managemeng strategies ang NCRPO para tugunan naman ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsada at maging sa mga terminal hubs.

Habang magtatalaga rin ito ng mga police assistance desks sa buong Metro Manila para sa mas mabilis na aksyon ng mga pulis kung kinakailangan, gayundin ang makapaghatid ng suporta at assistance sa mga biyahero.

Samantala, kaugnay nito ay muling tiniyak ni NCRPO chief Nartatez na dedikado ang kanilang hanay na tiyakin ang segurdad sa kasagsagan ng paggunita sa Holy Week at maging sa summer vacation.