Nasa mahigit 10,000 paaralan na sa basic eduaction sa buong bansa ang kasalukuyang nagpapatupad ng limited face to face clsses sa mga lugar na nakalagay sa Alert level 1 at 2.
Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, nasa 9,994 dito ang mga public schools ang nagbukas na habang nasa 212 naman ang mga private schools.
Mayroon ding kabuuang 14,396 na public at private schools iba’t ibang rehiyon na mayroong mahigit 2.6 million mag-aaral ang inirekomenda para sa pagsasagawa ng progressive expansion phase ng limited face to face classes.
Ang Region 3 ang may pinaamaraming paaralan na ngumpisa ng magsagawa ng in-person classes na nasa 1,809 eskwelahan, sinundan ng Region 8, Region 9 at Region 5.
Sa NCR naman, mayroon na rin 296 mula sa public at private schools ang nagsasagawa na ng limited physical classes.
Samantala, nirepaso ng DepEd ang School Safety Assessment Tool (SSAT) bilang bahagi ng pagpapalawig pa ng progressive limited face to face classes sa mas maraming eskwelahan gayundin kasalukuyang isinasapinal na ang guidelines sa pagsasahawa ng in-person learning.
Nakatakdang ilabas sa susunod na linggo ang revised assessment tool.