-- Advertisements --
job fair

Nasa mahigit 9,000 direct jobs at mahigit 1,000 indirect jobs ang malilikha matapos aprubahan ng China ang importasyon ng durian mula Pilipinas.

Umaasa si Chinese Ambassador Huang Xilian na magbebenepisyo dito ang mas maraming mga Filipino farmers at agriculture tires sa pagitan ng China at Pilipinas.

Saad pa ng Chinese envoy na maaari ng magkaroon ng parehong market access ang Pilipinas gaya ng Thailand, Malaysia at Vietnam.

Ang naturang development ay bunga ng pagsisikap ng administrasyon matapos ang state visit ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Beijing noong nakalipas na linggo kung saan ilang kasunduan ang nilagdaan sa maraming industriya kabilang ang nasa sektor ng agrikultura.