-- Advertisements --
Aabot sa 1,200 na mga protesters ang inaresto ng mga otoridad sa Brazil.
Karamihan sa mga ito ay mga supporters ng dating pangulo na si Jair Bolsonario.
Sila ay nagtayo ng mga tent sa labas ng army headquarters sa Brasilia.
Boluntaryo sumuko ang mga ito at sila ay inilagay sa kustodiya ng mga kapulisan.
Ang bilang ay bukod pa naunang 300 katao na kanilang inaresto dahil sa riots.
Magugunitang ilang libong mga protesters ang lumusob sa Congress building ganun din sa mga presidential palace at Korte Suprema.
Pinagsisira nila ang mga kagamitan sa nasabing mga opisina.