-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang nasa 1,500 participants mula sa 800 kumpanya na dumalo sa private sector briefing para sa COVID-19 vaccine.

Nagpapatunay lang aniya ito na karamihan ng mga kumpanya sa bansa ay nais nang makaalis mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya.

Sa nasabing briefing, ianunsyo ni Kishore Hemlani, founder ng Faberco Life Sciences Inc., na itinalaga nito ang Unilab Inc. para mangasiwa sa mga COVID-19 vaccine orders ng mga pampribadong sektor.

Ito ay matapos lagdaan ng Faberco at Unilab ang kasunduan para sa Covovax vaccine na dinevelop ng Novavax at manufactured naman ng Serum Institute of India (SII) upang maging available ito sa mga empleyado ng private sector.

Nag-set naman ang Unilab ng minimum order na 200 doses at magkakaroon din ng kakayahan ang mga maliliit na kumpanya na i-consolidate ang kanilang mga bibilhing bakuna.

Ang efficacy rate ng Covovax vaccine ay nasa 89.3% at walang nakikitang malalang adverse effect.

Inaasahan na matatanggap nito ang supply ng bakuna sa ikatlong quarter ng taong 2021.

Ang indicative cost naman para sa bakuna ay kasalukuyang nasa P1,000 kada dose, exclusive na ito ng value added tax (VAT), kasama na rin sa nasabing presyo ang logistics at delivery saanmang Department of Health-approved vaccination sites at hospitals.