-- Advertisements --
Kinumpirma ng Ukraine na nagsagawa sila ng strike sa Donetsk region ang lugar na sinakop ng Russia.
Ayon sa Ukraine na sa insidente ay nasawi ang mahigit 100 na sundalo ng tamaan ang gusali sa Makiivka city kung saan nakahimpil ang mga sundalo ng Russia.
Itinanggi naman ng Russia ang bilang at sinabing nasa mahigit 60 lamang na sundalo nila ang nasawi.
Ito na rin ang pinakamaraming bilang na sundalo na nasawi na inako ng Russia sa ginawang pag-atake ng Ukraine.
Pagkatapos naman ng insidente ay gumanti ang Russia kung saan tinamaan nila ang ilang gusali sa Kiyv.
Tinatarget kasi ng Russia ng mga pangunahing imprastraktura ng Ukraine.