-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot na sa mahigit 100 ang sinibak sa pwesto na pulis sa ilalim ng Police Regional Office 2 (PRO) na bunga ng Internal Cleansing.

Batay sa report ng PRO2, Mula sa taong 2016 ay nasa 118 na pulis na sa rehiyon ang nasibak sa Serbisyo na bunga ng internal cleansing program ng PNP.

Bukod sa pagkakatanggal sa serbisyo ay tanggal din ang benepisyo ng mga naturang pulis dahil sa iba’t ibang paglabag.

Kabilang sa kanila ang 5 pulis na sangkot sa iligal na droga habang karamihan ay guilty sa kasong grave misconduct at kasong grave neglect of duty o absent without official leave habang ang iba naman ay conduct unbecoming of an officer.

Pinakamaraming nasibak sa Regional Headquarters na nasa 44, sumunod ang Cagayan Police Provincial Office na may 19; Isabela PPO na may 12; Santiago City Police Office na may 10; Nueva Vizcaya PPO na may dalawa, Regional Headquarters Support Group na may 6, Regional Mobile Force Battalion na may lima, Quirino PPO na may dalawa at Batanes PPO na may isang pulis na nasibak sa serbisyo.

Ayon sa PRO2 bunga ito ng internal cleansing na pinaigting sa panahon ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.