-- Advertisements --
Isinasailalim ng Office of the Ombudsman sa lifestyle checks ang 107 na opisyal ng gobyerno.
Inanunsiyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na karamihn sa mga ito ay mula sa tinatawag na “income generating agencies” gaya ng Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Customs (BOC).
Dagdag pa nito na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga opisyal na kanilang isasailalim sa lifestyle checks dahil patuloy ang pangangalap nila ng impormasyon.
Ang nasabing hakbang ay mula sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos na isailalim sa lifestyle checks ang mga government officials.
Nagsimula ang kautusan dahil sa may ilang mga opisyal ng gobyerno ang nasangkot sa anomalya sa flood control projects bansa.















