Nanindigan ang pangulo ng International Criminal Court (ICC) na hindi dapat sila buwagin.
Sinabi ni ICC president Tomoko Akane, na hindi sila titigil kahit na inanunsiyo ng US na papatawan sila ng sanctions.
Dagdag pa nito na nakatanggap din ito ng suporta mula sa iba’t-ibang pangulo at prime ministers ng mga bansa.
Maging ang mga nagdaang judges ng ICC ay napatawan na rin ng sanctions subalit hindi sila nawalan ng gana sa kanilang trabaho at hindi rin sumuko ang mga ito.
Una rito ay inanunsiyo ni US Secretary of State Marco Rubio ang pagpataw ng sanctions sa kaniya at ilang mga judges ng ICC.
Naniniwala ito na tila gumaganti ang US matapos ang paglabas ng ICC ng warrant of arrest laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu dahil war crimes at crimes against humanity noong Nobyembre 2024.










