-- Advertisements --

Aabot sa 105 ang mga naaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa paglabag sa pina-iral na liquor ban.

Ayon kay NCRPO Spokesperson, P/LtC. Jenny Tecson, pinakamarami sa mga lumabag ang naitala sa Quezon City Police District (QCPD) na may 62.

Sinundan ito ng Manial Police District na nakapagtala ng 27, Northern Police District na may 8, Eastern Police District na may 6 at Southern Police District na may 2.

Kabilang na rito ang 2 empleyado ng Barangay na nahuling tumotoma sa kahabaan ng 28th street sa Brgy. East Rembo, Makati City.

Sinubukan pang manlaban ng isa sa mga kawani ng Barangay at nagbitaw pa ng masasakit na salita sa mga Pulis subalit hindi ito umubra at siya’y dinampot at dinala sa presinto.

” We will continue our Comelec checkpoints until June 8,2022 alongside our anti-criminality, anti-illegal drugs, anti-gambling and anti-terrorism campaigns. Makakaasa ang ating mga Kababayan na may mga pulis silang malalapitan upang rumisponde at magbigay ng serbisyo kung kinakailangan,” pahayag ni PMGen. Felipe Natividad.