-- Advertisements --

Umabot na sa kabuuang 102,302,706 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ito ay simula nang binuksan ito noong 2018.

Nagsisilbing ang PITX bilang terminal ng iba’t ibang transport modalities tulad ng mga Bus, Jeepney at Taxi. Ibig sabihin, mas madali at mabilis ang pagbiyahe ng mga komyuter.

Ayon kay PITX Corporate Affairs and Gov’t Relations Head Jason Salvador, maraming mga pasahero na ang natulungan ng nasabing terminal, papunta sa ibat ibang destinasyon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Pagtitiyak nitong lalo pa nilang pag-iibayuhin ang serbisyo sa publiko, sa pamamagitan ng mga pasilidad na tutugon sa mga pangangailangan ng mga pasahero.

Nakatakda namang maglunsad ang PITX ng mga programa sa mga susunod na buwan kabilang ang mga bagong route.

Ito ay upang lalo pang maging convenient ang PITX sa mga pasahero.