-- Advertisements --
Nakauwi na sa bansa ang mahigit 100 na mga distressed overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Kuwait at Laos.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nitong Huwebes Santo ng dumating ang 116 na distressed OFW.
Sa nasabing bilang ay 110 sa kanila ay mula sa Kuwait kung saan isa sa kanila ay paralisado na matapos na mahulog sa bintana sa bahay ng amo nito.
Mayroong 10 rin na OFW mula sa Laos ang nabiktima ng Human Trafficking.
Tiniyak naman ng DFA na kanilang bibigyan ng tulong pinansiyal ang nasabing mga umuwing OFW.
HInikayat din ng DFA ang mga OFW na mayroong problema sa kanilang mga amo o nais na umuwi na dapat ay makipag-ugnayan na sa kanila.