-- Advertisements --

Umabot sa 130 individwals na natukoy bilang mga biktima ng Mindanao State University bombing ang ginawaran ng mga cash aid sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Maaalalang nangyari ang pambobomba noong Disyembre-3 sa loob mismo ng MSU habang nasa kalagitnaan ng misa rito kung saan ilang katao ang napaulat na namatay.

Ayon sa DSWD Northern Mindanao Field Office, nakatanggap ang mga biktima ng cash assistance, kasama ang counseling services na hatid ng mga eksperto nito.

Maliban dito ay naghatid na rin ang Commission on Higher Education(CHED) ng financial assistance sa mga estudyante na biktima ng nangyaring pagyanig.

Ginawa ito ng dalawang ahensiya, ilang linggo mula nang pormal na ibinalik ang klase sa naturang unibersidad.

Ito ay kasunod na rin ng naging deklarasyon ng AFP na ligtas nang bumalik ang mga estudyante sa MSU.