-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mahigit 10 katao ang nasawi matapos mahulog ang isang sasakyan sa irrigation canal sa Bulo, Tabuk City, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, 14 na kinabibilangan ng ilang bata ang sakay ng kulay itim na Everest.

Patungo sana ang mga biktima para mamasyal sa Bulo Lake sa Tabuk City kaninang alas-5:00 ng hapon nang maganap ang aksidente.

Ang mga biktima ay dinala sa Kalinga Provincial Hospital.

Nauna nang kinumpirma ni P/Col. Davey Vicente Limmong, provincial director ng Kalinga Police Station, ang naganap na aksidente ngunit hindi pa makapagbibigay ng karagdagang detalye.