-- Advertisements --
Mahigit sa 1 milyong tao na ang inilikas mula sa Ukraine patungo sa Russia mula noong Pebrero 24.
Sinabi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov, kabilang sa 1.02 million individuals ang 120,000 foreigners at ang mga taong inilikas mula sa Russian-backed breakaway regions ng Ukraine na tinatawag na Donetsk at Luhansk People’s republics.
Ayon sa data mula sa United Nations, higit sa 5.4 milyong tao ang tumakas sa Ukraine mula nang magsimula ang pagsalakay.
Tinatawag ito ng Moscow na isang “espesyal na operasyon” upang i-demilitarize at “i-denazify” ang Ukraine.
Sinasabi ng Ukraine at ng West na ang Russia ay naglunsad ng isang walang dahilan na war of aggression.