-- Advertisements --
Nasa mahigit 1,000 mga katao na ang naaresto sa Pakistan dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta mula ng maaresto si dating Prime Minister Imran Khan.
Maraming mga sundalo ang ipinakalat sa Balochistan, Punjab at Khyber-Pakhtunkhwa provinces para mapanatili ang kapayapaan mula ng maaresto si Khan.
Nanawagan naman si Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif sa mga supporters ni Khan na respetuhin ang ipinapatupad na batas.
Magugunitang inaresto si Khan ng National Accountability Bureau (NAB) para kuwestiyunin sa kurapsyon na kaniyang kinakaharap mula ng maupo ito.









