-- Advertisements --

NAGA CITY – Mahigit na sa 1,000 an mga baboy na ipinasailalim sa culling operation sa 2nd wave ng African Swine Fever (ASF) sa Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Emy Bordado, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA)-Bicol, sinabi nitong sa ngayon mayroon ng 56 na apektadong barangay mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte at Albay.

Sa nasabing mga barangay, umabot na rin sa 220 hog raisers an apektado.

Ayon kay Bordado, hanggang sa ngayon may mga on going depopulation pang ginagawa ang mga otoridad lalo na sa CamSur.

Kung maaalala, nakatakda na sanang magdeklara ng ASF cleared ang DA sa mga lugar sa CamSur noong buwan ng Agosto ngunit bigla na namang nagsimula at mabilis na kumalat ang naturang outbreak.