Binuksan nang muli ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police ang ikalawang batch ng recruitment process nito para sa pagkapulis sa mga dating sa dating fighters ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.
Ito ay bahagi ng pagtalima ng naturang ahensya sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kapayapaan at seguridad sa buong bansa.
Sa datos, mula sa 1,279 na kabuuang bilang ng mga aplikante para sa 2nd batch ng naturang recruitment ay aabot na lamang sa 690 na mga applicants ang nakapasa sa mahigpit na pagsasala ng mga kinauukulan.
Ang naturang bilang ay isasama sa natitirang 113 na mga aplikante mula sa unang batch ng recruitment at sasailalim pa rin sa ilan pang mga pagsasala kabulang na ang Character and Background Investigation, Physical, Mental, and Dental Examinations, Drug Test, at Final interview na gaganapin naman mula Setyembre 16 hanggang 18, 2023.
Kung maaalala, noong Setyembre 9, 2023 una nang binuksan ng PNP Recruitment and Selection Service ang pagpoproseso sa ikalawang batch ng mga aplikanteng dating mga miyembro ng MILF at MNLF na nagnanais na ngayong maging pulis