Aabot na sa mahigit 1.2-million na mga international visitors na ang naitala ng Department of Tourism na bumibisita sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng taon 2024.
Sa datos ng naturang kagawaran, mula sa naturang bilang ay aabot sa 1,160,129 na mga turistang banyaga ang naitala, habang nasa 67,686 naman ng mga overseas Filipino ang naitalang dumating sa bansa sa unang dalawang buwan ng taong kasalukuyan.
Mas mataas ito ng 22.86% kumpara sa una na nitong naitala noong nakaraan taong 2023.
Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia, maituturing itong “robust indication” ng kinabukasan ng turismo ng Pilipinas.
Samantala, kaugnay nito ay nagpahayag naman ng pasasalamat ang kalihim sa lahat ng sektor na nag-ambag sa tagumpay na ito ng sa turismo ng bansa.
Kung maaalala, una nang inihayag ni Sec. Garcia na target nitong makamit ang 7.7 million international visitors ngayong taong 2024.